Wala aniyang intensyon na makasakit o mang-insulto si Kapuso actor Martin del Rosario kasunod ng kaniyang binatikos na Halloween peg hango kay Jeffrey Dahmer.

Matatandaang nagtamo ang aktor ng matinding pagkondena mula sa netizens matapos gawing inspirasyon para sa Halloween ang bantog na American serial killer.

Basahin: Kapuso actor Martin del Rosario, ginaya ang isang serial killer para sa Halloween, inulan ng batikos – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Hindi kasi nagustuhan ng marami ang umano’y “insensitive” na pagbuhay sa personalidad na may totoong kasaysayan ng karumal-dumal na krimen.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Basahin: Matapos batikusin, Jeffrey Dahmer-inspired Holloween getup ni Martin del Rosario, burado na – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa isang pahayag sa ulat ng Preview nitong Martes, nagpaliwanag ang aktor sa likod ng kontrobersyal na Halloween costume.

“I never intended to hurt or insult anybody with my ‘Dahmer’ Halloween look. My intention was just to depict myself in costume as somebody who’s [as] evil as Dahmer, which is basically the objective of a Halloween costume,” anang Kapuso actor.

Sunod naman na humingi ng paumanhin si Martin sa mga na-offend ng kaniyang viral post.

“If I have hurt anybody or have become insensitive by donning the Dahmer look, I sincerely apologize. Please trust that it was nothing intentional. It was just for the spirit of Halloween,” aniya.