Umani ng atensyon online ang pilot episode ng “Mano Po Legacy: The Flower Sisters” kung saan isang tagpo sa programa ang agad na nag-viral at pinag-usapan ng netizens.

Partikular na tumatak sa maraming netizens ang tagpo ng mga karakter nina Beauty Gonzalez at Rafael Rosell kung saan napunta ang usapin sa politika.

Sa kuwento, humihingi ng nasa P40 milyon ang karakter ni Rafael sa karakter ni Beauty. Balak kasing tumakbo ng mister sa politika.

“Hon, parang wala kang tiwala sa kakayahan kong tumakbo sa public office?” tanong ni karakter ni Rafael sa karakter ni Beauty.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Because you don’t know anything. I mean, anong alam mo sa pagpapatakbo ng probinsya o ‘di kaya small town? Wala kang experience. Hindi ka nga nakapagtapos ng college dahil wala kang ibang inatupag kundi ang mag-party,” walang pakundangang saad ng misis.

“Hon, lahat natutunan. Hindi mo kailangan ng diploma para maglingkod sa bayan. Ang kailangan mo lang ay sincerity, dignity at integrity,” depensa naman ng mister na ikinatawa lang ng karakter ni Beauty.

Dahil sa rekta nitong script, parehong hinangaan ng marami ang anang netizens ay makatotohanang script ng programa.

Agad na nag-viral ang tagpo online, kabilang na sa Facebook.

“If the shoe fits, wear it,” pilyang komento ng netizens.

“The shade is on point,” segunda ng isa pa.

“Sounds familiar!”

“The shade of it all!”

“The design is very specific.”

“Walang sinabing pangalan pero may iiyak dyan.”

“And they say its just ABSCBN and Rappler who are biased against some politicians.

When in fact, all the media have been voicing out equally.🤷‍♂️

“Art imitates life ika nga nila!”

Wala mang binanggit, tila direktang patama umano ito sa ilang politikong walang sapat na kakayahan na pamunuan ang kanilang nasasakupan.

Noong nagdaang eleksyon noong Mayo, matatandaan ang kontrobersyal na isyu ukol sa umano’y kawalan ng college degree ng ngayo’y Pangulong Bongbong Marcos.

Sa kabila ng batikos at pruweba, pinanindigan pa rin noon ni Marcos na siya’y nakapagtapos sa University of Oxford.

Basahin: Paglilinaw ng Oxford PH Society: ‘BBM did not finish his degree’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Hindi naman ito ang kaso, ayon mismo sa eskwelahan, na itinanggi ang umano’y diploma ni Marcos.

Samantala, mapapanuod tuwing weekdays, ika-9:35 ng gabi ang “Mano Po Legacy: The Flower Sisters” sa GMA Primetime.