Sa muling pananalasa ng Bagyong Paeng sa bansa kung saan nasa 121 katao na ang naiulat na nasawi, may panawagan si Kapuso host-actor at climate advocate Dingdong Dantes sa gobyerno ng Pilipinas.

Basahin: Death toll sa bagyong Paeng, umabot na sa 121 — NDRRMC – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ito’y kasunod ng malaman na Twitter thread ng researcher na si Renee Karungan Edwards kung saan inilatag niya ang listahan ng epekto ng climate change, partikular sa bansa.

“At this point, it should be clear to everyone that addressing climate change should also be a priority for the country. Dadaan at dadaan ang marami pang bagyo sa bansa. There should be no excuse for us not to be prepared anymore,” agad na reaksyon ng Kapuso star.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

https://twitter.com/dingdongdantes/status/1587289675336765441

Sa mga datos ni Edwards, tinatayang hanggang tatlong beses na lalakas pa ang mga bagyong dadaan sa bansa pagdating ng 2100.

Dagdag ni Edwards gayunpaman, maraming paraan ang pwedeng ilatag ang gobyerno para bawasan at maiwasan ang malalang epekto ng climate change.

https://twitter.com/rjkarunungan/status/1586648828794609671

“Ang climate resilience ay gumagamit ng siyensya at ebidensya para harapin ang epekto ng climate change at maihanda ang mga tao dito. Tunay na climate resilience ang kailangan ng Pilipinas,” ani Edwards.

“What the Philippine national and local governments should realize is that climate change is here and now, it does not only require response when we experience disasters. It requires proper planning as the world continues to warm,” dagdag ng researcher na sinegundahan ng Kapuso star.

Pagpupunto ni Dingdong, “While our government is strengthening its efforts and policies in making sure that the right systems are in place to help secure the safety of every Filipino family, we also need to streamline public participation & have a more sustainable mechanism already for volunteers.”

Sa huli, binigyang-pugay muli ng aktor ang mga volunteer sa nagdaang pananalasa ni Paeng.