Sa tuwing sasapit ang Undas ay inaabangan na ng mga manonood ang "Gabi ng Lagim" ng award-winning magazine show na "Kapuso Mo Jessica Soho" tuwing Linggo ng gabi sa GMA Network, dahil talaga nga naman daw na nakapaninindig-balahibo ang mga itinatampok na kuwento ng katatakutan at kababalaghan dito.

Subalit hindi lamang naging trending dahil sa mga itinampok na kuwento ang Gabi ng Lagim kundi dahil tila kabaligtaran na raw ngayon ang naging epekto nito; sa halip daw na manindig ang balahibo sa takot ay natawa raw ang karamihan sa mga nakapanood nito, dahil sa pagganap ng social media personality-calendar girl ng isang inuming nakalalasing na si "Sassa Gurl".

Aminado si Sassa Gurl na maging siya, naisip niyang "na-dogshow" niya yata ang Gabi ng Lagim, ayon sa kaniyang mismong tweet noong Oktubre 30. Kasama si Sassa Gurl sa "Auditorium" episode ng Gabi ng Lagim, sa direksyon ni Topel Lee.

Biro pa niya, parang ayaw na niyang rumaket sa TV.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

"Imbis daw na matakot natawa daw sila. Dogshoww ko gabi ng lagim. Tangina ayoko na nga rumaket sa TV HAHAHAHAAHA," sey ni Sassa Gurl.

https://twitter.com/Itssassagurl/status/1586708071749152768

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Mumsh di ko maiwasan makita as your characters sa sariling stints mo. Hahaha! Pero I can see the effort getting away with it and focusing on what you were portraying. Clap clap pa rin pero mas laptrip talaga kesa nakakatakot."

"Horror turned comedy mima hahaha."

Maging sa comment section ng YouTube channel kung saan ito mapapanood, ganito rin ang feedback. Napansin din umano ng mga netizen ang mala-"glow in the dark" blush on ni Sassa Gurl.

"Hindi ako natakot dahil tawang-tawa ako sa blush on mo. Blush on is LIFE hahahaha."

"Yung blush on ni Sassa glow in the dark 😂. By the way kudos ang galing ng konsepto at pagkadula ng mga actor. Yung multo sa auditorium ang galing hahaha."

"IMBES MATAKOT AKO NATATAWA AKO EVERYTIME NA PINAPAKITA SCENE NI SASSA GURL."

"Congrats prod team ang galing... kaya lang please wag haluan ng comedy next time... gusto namin maging trauma sa buhay namin ang Gabi ng Lagim every year HAHAHAHA."

"Nakakatakot na sana eh pero nung nakita ko si Sassa Gurl natawa ako HAHAHAHA."

"Mhie, pasensya ka na kahit ako natatawa talaga kasi alam mo yun feel naman namin na character mo yung dun kay Mareng Jessica pero di talaga kaya hahaha sorry mhie. Support kaming mga nakshies mo."

Si Sassa Gurl ay may tunay na pangalan na 'Felix Petate, Jr.' mula sa Quezon City, na nakilala dahil sa kaniyang mga pagpapatawa sa TikTok, na mas sumikat sa kasagsagan ng pandemya noong 2020.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/01/15/bea-at-chie-kabahan-na-raw-sino-nga-ba-ang-tiktoker-na-si-sassa-gurl/">https://balita.net.ph/2022/01/15/bea-at-chie-kabahan-na-raw-sino-nga-ba-ang-tiktoker-na-si-sassa-gurl/

Ikinagulantang at ikinatuwa ng mga netizen ang paglabas ng mga bagong kalendaryo ng White Castle Whisky nitong Enero 14, 2022, dahil 'game-changer' ang model nito, at ito nga ay si Sassa Gurl. Ito ang kauna-unahang pagkakataong hindi babae ang naging modelo ng isang inuming nakalalasing kundi miyembro ng LGBTQIA+ community.