Mainit na tsaa sa unang araw ng Nobyembre ang panunugod at pangongompronta umano ng aktres na si Barbie Imperial sa Vivamax artist na si Debbie Garcia, na kitang-kita sa nag-leak na CCTV footage ng isang bar sa Quezon City, na naganap naman noong Biyernes ng gabi, Oktubre 28.

Ayon sa ulat, sinugod daw ni Barbie si Debbie dahil sa selos. Nabalitaan umano ni Barbie na nakikipag-date si Debbie sa kaniyang ex-boyfriend na si Diego Loyzaga.

Sey pa sa tsika, matagal na umanong nagseselos si Barbie kay Debbie kahit noong magkarelasyon pa sila.

Makikita sa CCTV na naawat ng mga lalaki si Barbie at nailayo kay Debbie. Hindi pa malinaw kung sino ang lalaking naglayo kay Barbie kay Debbie.

National

SP Chiz, pinatutsadahan si Guo: 'Wala siya sa lugar...'

Hinawakan daw ni Barbie sa magkabilang braso si Debbie at dito na raw nagsimula ang murahan, talakan, at nagkaroon pa ng pisikalan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/02/barbie-nahagip-sa-cctv-inaway-vivamax-artist-na-nakikipag-date-sa-ex-na-si-diego/">https://balita.net.ph/2022/11/02/barbie-nahagip-sa-cctv-inaway-vivamax-artist-na-nakikipag-date-sa-ex-na-si-diego/

Ayon naman sa ulat ng entertainment site na Philippine Entertainment Portal o PEP, agad daw na nagtungo si Debbie sa police station sa Kamuning, Quezon City at ipina-blotter si Barbie. Gulat na gulat umano ang Vivamax artist sa ginawa sa kaniya ni Barbie.

Hindi pa raw magsasalita si Debbie tungkol sa isyu, subalit sinasabing kokonsulta umano ito sa mga abogado upang alamin ang posibleng kasong puwede niyang isampa kay Barbie.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Barbie tungkol sa isyu.