Ilang teyorya ng fans ng hit Kapuso-period fantasy drama na “Maria Clara at Ibarra” ang usap-usapan online matapos biglang hindi na makita sa video streaming giant na YouTube ang kopya ng full episodes ng programa.

Ilang tagasubaybay nga ng patok na programa ang nadismaya kamakailan matapos umano’y burahin at itigil ng GMA ang paglalabas ng kopya ng full episodes ng MCI sa YouTube.

Dahil dito, kaliwa’t kanang espekulasyon ang nabuo mula sa fans kabilang na ang umano’y nakatakdang pagbenta ng Kapuso Network sa mga kopya sa sikat na Netflix.

Tanging snippets, at trailer na lang kasi ang kasalukuyang accessible sa YouTube channel ng GMA kung saan milyun-milyong views na rin ang una nang inani ng network sa mga ipinalabas na episodes ng MCI.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sa isang entertainment page na Hola sa Facebook, agad naman pinabulaanan nito ang balitang paglipat ng GMA sa Netflix dahilan nga ng burado nang mga kopya sa YouTube.

Dagdag nila at ayon mismo sa GMA Drama Instagram moderator, nananatiling walang kumpirmasyon sa kampo ng GMA ang paglabas ng patok na programa sa Netflix.

Matatandaang ang GMA ay isa sa kilalang content producer din ng Netflix. Ilan sa kanilang mga nagtapos na programa ang mapapanuod sa streaming giant kabilang na ang latest na “I Left My Heart in Sorsogon.”

Gayunpaman, patuloy na umeere tuwing weekdays ang MCI sa GMA Telebabad. Nananatili rin itong accessible sa GMA Network app at official GMA Network website.

Wala pang pahayag ang pamunuan ng GMA sa naturang pagbabago.