BALBALAN, Kalinga – Natagpuang patay ang isang 62-anyos na lalaki makalipas ang tatlong araw na paghahanap nang anurin ito ngmalakas na agos ng ilog sa bayan ng Balbalan sa kasagsagan ng bagyong Paeng.

Nakita ang bangkay ng senior citizen sa riverbank ng karatig bayan ng Pinukpuk, Kalinga nitong Lunes, Oktubre 31.

Kinilala ang biktimang si Severino Lumacday, 62, single, karpinteroat residente ng Sitio Lingayan, Balantoy, Balbalan, Kalinga.

Ayon sa Balbalan Municipal Police Station, isinagawa ang search and rescue operation sa biktima matapos itong anurin sa ilog dakong alas 3:40 ng hapon ng Oktubre 29, pero naiulat ito sa pulisya dakong alas 6:00 ng gabi.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sa imbestigasyon, kasama ng biktima si Jonie Banson at sila ay galing sa isang kasalan at naglalakad sa may trail pauwi saSitio Lingayannang tamaan ito ng mga nahuhulugang bato at nahulog sa may creek na may lalim na 50 meter patungo sa ilog.

Mula doon ay nagtulong-tulong ang mga residente sa paghahanap sa biktima sa mga karatig barangay at bayan, hanggang matagpuan ng mga tauhan ng Pinukpuk MPS at 1st Kalinga Provincial Mobile Force, Bureau of Fire and Protection-Pinukpuk ang walang buhay na labi ng biktima na nakalutang sa may river bank.