Hindi na makikita sa Instagram ni Kapuso actor Martin del Rosario ang serye ng mga larawan tampok ang kaniyang Halloween getup na hango sa bantog na American serial killer na si Jeffrey Dahmer.

Matapos dikdikin ng netizens ang IG post ng aktor mula Lunes ng gabi, hindi na ito makikita sa kaniyang Instagram ngayong hapon ng Martes.

Bagaman may nagtanggol, maraming netizens kasi ang hindi pinalagpas ang umano’y insensitive na Halloween inspiration ng aktor.

Basahin: Kapuso actor Martin del Rosario, ginaya ang isang serial killer para sa Halloween, inulan ng batikos – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Pagpupunto kasi ng netizens, hindi isang kathang-isip na karakter si Dahmer kundi isang karumal-dumal na kriminal na may kasaysayan ng brutal na pagpaslang sa nasa 17 kalalakihan mula 1978 hanggang 1991 sa Amerika.

Larawan mula sa burado nang IG post ng Kapuso actor

Dagdag nila, hindi umano masama ang mag-abala ng costume tuwing Halloween ngunit ibang usapan na umano kung may mga pamilya ng biktima ang maaaring masagasaan dito.

“Ang layo actually sa mukha ni Dahmer, kung di ko binasa ang caption, di ko malalaman ang outfit mo. Haha Pero man, sana iba na lang. Do better next time. Insensitive ka sa point na to,” komento ng isang netizen.

“Stop romanticizing serial killers. There’s a difference between portraying a horror movie character & a real-life serial killer. Sa'n utak mo?”

“Ano to? Another PR kasi hindi matunog name? This is so insensitive not just for the victims of Dahmer but for the black community and the queer community.”

“Disgusting 🤢🤮 the fact na supportive pa yung mga friends nya sa kanya! Ewwwww”

“This is so ignorant to dress up as a real-life serial killer!”

Parehong IG post at stories ng aktor ang hindi na makikita sa pag-uulat.