Ipatutupad na rin ng Department of Education (DepEd) sa mga paaralan ang boluntaryong pagsusuot ng face mask.

Alinsunod ito sa kautusang inilabas ng Malacañang noong nakaraang linggo na boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face mask sa indoor at outdoor spaces.

Ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa, maglalabas sila ng amendatory department order (DO) na magpapahintulot sa boluntaryo na lamang na pagsusuot ng fave mask sa mga silid-aralan.

"We will follow [Executive Order No.] 7 and issue an amendatory [department order]," pahayag ni Poa nitong Martes.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Una nang inaprubahan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang boluntaryong pagsusuot ng face masks sa indoor at outdoor areas, sa gitna nang patuloy na banta ng Covid-19.

Ngayong Miyerkules naman, Nobyembre 2, ipatutupad na sa mga public schools ang limang araw na face-to-face classes, alinsunod sa kautusan ng DepEd.

Exempted naman dito ang mga public schools na sinalanta ng bagyong Paeng, gayundin ang ginagamit pa bilang evacuation centers.

Ang mga private schools naman ay pinahintulutan ng DepEd na magdaos ng blended learning, full face-to-face classes o full online learning.