Ibinahagi ng isang eatery sa Laoag, Ilocos Norte ang mga litrato ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. kasama ang anak na si Vincent Marcos at pamangking si Ilocos Norte Governor Matthew Marcos Manotoc, nitong linggo ng Oktubre 30, sa kasagsagan ng pag-iintriga ng mga netizen na nasa Japan o ibang bansa ang pangulo habang hinahagupit at pinadadapa ng bagyong Paeng ang Pilipinas noong Oktubre 29.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/30/agot-isidro-pinuri-ang-south-korean-president-nagpatutsada-tungkol-sa-japan/">https://balita.net.ph/2022/10/30/agot-isidro-pinuri-ang-south-korean-president-nagpatutsada-tungkol-sa-japan/

"Someone stopped by for a quick lunch😍😍😍. Thank you President Bongbong Marcos, Sir Vincent Marcos, and Governor Matthew Marcos Manotoc for dropping by," saad sa caption ng eatery.

Hindi ito ang unang beses na makikitang kumain ang pangulo sa naturang eatery. Noong Oktubre 8 ay ibinahagi rin ng Dawang ang pag-drop by ng pangulo sa naturang eatery upang kumain ng pananghalian.

Kahapon ay nilinaw ni Office of the Press Secretary officer-in-charge (OIC) Cheloy Garafil na hindi totoong nasa Japan ang pangulo.

"Wala po siya sa Japan," ani Garafil.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/30/pbbm-wala-raw-sa-japan-garafil/">https://balita.net.ph/2022/10/30/pbbm-wala-raw-sa-japan-garafil/