Halos 100 ang naiulat na nasawi sa paghagupit ng bagyong Paeng sa bansa, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa datos ng NDRRMC, kumpirmado na ang pagkamatay ng 58 sa nasabing bilang habang bineberipika pa ang 40 iba pa.

Hindi pa rin madaanan ang 195 kalsada at 72 tulay hanggang nitong Lunes matapos mapinsala ng bagyo.

Naitala rin ng NDRRMC ang 1,812,740 indibidwal na naapektuhan ng bagyo at mahigit sa 80,000 pamilya naman ang inilikas sa 27,109 evacuation centers.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Nasa ₱435,464,774.16 naman ang napinsala sa sektor ng agrikultura habang umabot sa ₱757,841,175 ang nasirang imprastraktura.

Nitong Lunes ng umaga, isinailalim pa rin sa Signal No. 1 ang 20 lugar sa bansa dahil kay 'Paeng' na inaasahang lalabas ng bansa ngayong Lunes ng umaga o hapon.