Binuksan na muli sa publiko ang Manila South Cemetery (MSC) nitong Lunes, Oktubre 31 dahil saUndas.

Sinabi ni MSC Director Jonathan Garzon, inaasahan na nila ang pagdagsa ng mga bibisita sa sementeryo upang mag-alay ng panalangin sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay bunsod na rin ng dalawang araw na pagsasara ng sementeryo.

Matatandaang isinara sa publiko ang MSC nitong Oktubre 29 at 30, dahil na rin sa pananalasa ng bagyong Paeng.

Upang maiwasan naman ang congestion, isinara na sa trapiko ang bahagi ng P. Ocampo at South Avenue na patungo sa MSC.

Metro

Doktor, patay nang tikman umano ang inuming ipinadala ng pasyente

Tiniyak din ni Garzon na mahigpit ang ipinatutupad na seguridad sa naturang sementeryo para na rin sa kaligtasan ng mga publiko.

Naglagay na rin ng mga help desk at police assistance center sa lugar sakaling mayroong mangailangan ng kanilang tulong.

Mahigpit pa rin namang ipinagbabawal ang pagdadala ng mga nakamamatay na sandata, flammable at matutulis na bagay sa sementeryo, gayundin ang mga nakalalasing na inumin, gamit na maaaring magdulot ng ingay, baraha at mga gamit sa pagsusugal at iba pa.