Nakalikom na ng ₱35 milyon ang mga kongresista bilang paunang tulong sa mga naapektuhan ng bagyong Paeng.

Binanggit ni House Speaker Martin Romualdez, tumanggap na rin sila ng pledges of assistance mula sa kapwa mga mambabatas sa pangunguna ni Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, chairman ng House Committee on Appropriations, gayundin sa mga pribadong indibidwal kaugnay ng kanilang relief drive.

Nangako rin aniya ng tulong ang pribadong sektor para sa pamamahagi ng relief packs sa mga apektadong pamilya.

"During the darkest hours, the House of the People in coordination and partnership with the Marcos administration is always here to assist and help Filipinos in their time of need. We will support all the national government initiatives in pursuing relief and recovery efforts in areas affected by typhoon Paeng,” ayon sa mambabatas.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“Sa tulong ng mga kasama nating mambabatas sa House of Representatives, magsasagawa ang Office of the Speaker ng relief drive at operations para sa mga komunidad na nasalanta ng Bagyong Paeng. Maglalaan tayo ng pondo para simulan ang pagbili ng mga kakailanganing relief goods tulad ng bottled waters, canned goods, bigas at iba pang basic necessities na ipapadala sa mga apektadong komunidad,” sabi pa ng kongresista.