Eksaktong Nobyembre 1 noong 2021 umano nagsimulang maospital ang kaniyang misis, kaya naman ngayong Oktubre 31 ay nanawagan ng dasal para sa agarang paggaling nito ang aktor na si John Andrew Schimmer, sa kaniyang Facebook post ngayong araw.

"Good morning po mga kapatid, today is October 31, later after midnight November 1 ka isang taon po ng atake ng aking asawa ng 3am…GUYS PLEASE HELP ME PRAY FOR HER😭😭😭🙏🏻 nawa’y bigyan po sha ng ating panginoon ng lakas para malampasan nya po ang mga pagsubok na ibbgay po sa kanyang katawan at spirit ngayong all soul’s day po," ani Andrew.

Batay sa update ni Andrew ay nasa comatose stage ang kaniyang misis.

"Right now she is still under the state of comatose, Hindi po humihinto sa pakikipaglaban ang kanyang katawan at kaluluwa,at hndi po nag gi-give up ang kanyang puso😭🙏🏻kaya ako po ay hihingi ulit ng inyo pong mahalagang oras, sabayan nyo po kaming manalangin,iparinig po natin sa buong langit ang laman po ng ating mga puso and let our voices echo in their hearts😭😭🙏🏻 ipag dasal at ipaglaban po natin ang ating mga mahal sa buhay. ☝🏻☝🏻."

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Matatandaang na isinugod sa ospital si Jorhomy “Jho” Rovero dahil sa matinding asthma attack, na nagresulta sa atake sa puso at brain hypoxia.

Nitong Setyembre 7, 2022, nagsagawa ng Facebook Live si Andrew upang magbigay ng update sa kalagayan ng kaniyang misis. Makikitang kaagad na yumakap ang anak sa kaniyang mommy. Ang misis naman niya, makikitang nais ding yumakap sa anak subalit hindi pa ito makagalaw nang husto.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/08/andrew-schimmer-ibinahagi-ang-madamdaming-tagpo-ng-may-sakit-na-misis-bunsong-anak-sa-ospital/">https://balita.net.ph/2022/09/08/andrew-schimmer-ibinahagi-ang-madamdaming-tagpo-ng-may-sakit-na-misis-bunsong-anak-sa-ospital/

Bumaha naman ng reaksiyon at komento sa comment section nito.

"Nakakaiyak talaga ang nangyari sa kaniya… na-touch ako sa mga pinagsasabi ng anak niya napaka-sweet na bata… Sana LORD hawakan n'yo po ang kaniyang buong katawan para gumaling na po siya… inip na inip na po ang kaniyang pamilya na makasama siya… Amen."

"Sending prayers, praying for her fast recovery."

"Hoping na gumaling na siya, Andrew! We will pray for her fast recovery!"

Sa isang panayam, naluha si Andrew nang ibahagi niya ang suporta at tulong na natatanggap ng kaniyang pamilya mula sa iba’t ibang tao, karaniwan man o celebrity, para kahit paano'y makabawas-bawas sa mga gastusin nila sa ospital.

Isa sa mga pinasalamatan ni Andrew ay ang tulong na ipinagkaloob sa kaniya ni Coco Martin.

Nitong Oktubre 17 ay ibinalita ni Andrew na muli nilang itinakbo sa ospital ang asawa at inilagay ito sa Intensive Care Unit (ICU) dahil sa mataas na lagnat.

Ilang araw matapos mailabas na mula sa pagamutan ay muli ngang isinugod ni Andrew ang misis na si Jho dahil umano sa "kapabayaan" ng nutritionist nito.

"Paano namang hindi lalagnatin 'yung tao? Can you imagine, ito 'yung laman ng kidneys mo? Diyos ko, kawawa. Tingnan n'yo manas na manas 'yung ano niya oh, kawawa naman," saad ni Andrew.

Ang inirereklamo ng aktor ay ang ginawa umano ng nutritionist sa kaniyang misis.

"Saan po dadalhin ng pasyente ninyo itong 6 grams of sodium na 'yan? Saan? Paki-explain naman. As a result, sobrang taas ng creatinine level niya ngayon. Tingnan n'yo naman, hirap na hirap 'yung tao. Ang ganda-ganda ng lagay nito nitong isang araw," ani Andrew sa kaniyang video.

“Diyos ko, Panginoon, tulungan N'yo po kami. 'Wag n'yo pong pababayaan 'yung asawa ko. Hindi niya po kasalanan ito, negligence itong nangyari sa kaniya ngayon," dasal ni Andrew.

Humingi rin siya ng dasal sa kaniyang followers para sa tuluyang paggaling ni Jho, na dapat sana ay nasa recovery stage na raw.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/17/misis-ni-andrew-schimmer-ibinalik-sa-ospital-naglabas-ng-sama-ng-loob-sa-nutritionist/">https://balita.net.ph/2022/10/17/misis-ni-andrew-schimmer-ibinalik-sa-ospital-naglabas-ng-sama-ng-loob-sa-nutritionist/