Inanunsyo ng YouTuber, social media personality, at negosyanteng si Viy Cortez na ang lahat ng kinita niya kahapon, Oktubre 29, sa kaniyang skincare at cosmetic products na kaniyang itinitinda ay mapupunta sa pagtulong sa mga nasalanta ng tropical storm Paeng.

Bukod pa rito, magpapaluwal din umano siya mula sa kaniyang sariling pera.

"Lahat po ng kikitain ng VIYLine Skincare at VIYLine Cosmetics ngayong araw ay idodonate ko po sa mga nasalanta, bukod pa sa ibibigay ko galing sa sarili kong bulsa," aniya.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Makikita rin sa kaniyang Facebook posts na aktibo rin siya sa pananawagan ng tulong sa mga nagpapadala ng private message sa kaniya, upang magpasaklolo.

"Sino po ang puwede ko marentahan na pick-up truck malapit po sa area nila Sir JayR. Para po maka-rescue po sila sa san pedro pls comment po," panawagan niya nang may mag-PM sa kaniya at humingi ng rescue.

Samantala, magbibigay raw ng update si Viy kung saan sila magpapaabot ng tulong at kung magkano ang maibibigay nila.

"Update ko po kayo kung magkano at kanino po namin ibibigay po ang mapagbebentahan po ngayong araw," aniya.