Tila inireklamo ni Kapuso actor Richard Yap ang isang telecommunications provider matapos niyang punahin ang umano'y maya't mayang pagtawag nito upang singilin siya ng halagang ₱599 sa serbisyong naka-subscribe siya, kahit hindi pa naman due date.

"Grabe tong @LiveSmart tawag ng tawag kahit di mo pa due date. Akala nila takasan natin sila ng 599 pesos when we’ve been subscribers for more than 10 years already," ayon sa tweet ni Yap nitong Oktubre 29.

"Pero pag Wala tayong signal sa area natin di naman nila inaayos."

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

https://twitter.com/ImRichardYap08/status/1586208589466648576

Makikitang tumugon naman ang Twitter account ng naturang telecom provider. Nag-alburuto at nag-react naman ang mga netizen dahil kapag artista o kilala raw ay mabilis pa sa alas kuwatro kung asistehin.

"Pag artista i-aassist agad. Ayusin nyo services nyo para lahat walang inconvenience!"

"This is so true. Pwede naman 1 text reminder lang. That's it. Grabe makatawag."

"Kapag tayo po ang may kailangan, dedma po sila… Pero kapag sila po ang may kailangan kahit hindi pa po sila dapat magdemand, ang bilis-bilis ng response kahit hindi sila kailangan or tinatawagan."

"True ka po dyan. Mga magagaling lang pag binabayaran sila."

"Pag artista, nangangatog ang tuhod n'yo ah."

Matatandaang inireklamo din ni TV host-vlogger Alex Gonzaga ang isang telecom at internet provider sa Twitter at mabilis naman itong naaksiyunan, bagay na ikinataas ng kilay ng mga netizen.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/26/matapos-ni-pokwang-alex-gonzaga-kinalampag-din-ang-isp-mga-netizen-napa-react/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/05/26/matapos-ni-pokwang-alex-gonzaga-kinalampag-din-ang-isp-mga-netizen-napa-react/

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/27/netizens-may-sagot-kay-alex-gonzaga-pagkatapos-magreklamo-tungkol-sa-internet/">https://balita.net.ph/2022/05/27/netizens-may-sagot-kay-alex-gonzaga-pagkatapos-magreklamo-tungkol-sa-internet/