Nasa 48 katao ang nasawi habang halos isang milyong residente ang naapektuhan ng bagyong Paeng, ayon sa pahayag ngNational Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Linggo.

Sa bilang ng mga namatay, 40 ang naiulat sa Bangsaomoro region, tatlo sa Soccsksargen, tig-dalawa sa Western Visayas at isa sa Bicol region.

Naitala rin ng NDRRMC ang naapektuhan na32,077 indibidwal sa 2,445 barangay sa Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao Region, Soccsksargen, Caraga, Bangsamoro, at Cordillera Administrative Region (CAR).

Nawasak naman ng bagyo ang bahay ng 168,453 residente na pawang nananatili pa rin sa 2,125 na evacuation center.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

Binanggit ng NDRRMC, hindi madaanan ang 147 kalsada at 53 na tulay sa buong bansa matapos mapinsala ng bagyo.

Umabot na rin sa 379 insidente ng pagbaha sa buong bansa, bukod pa sa naitalang 60 na landslides, at anim na flash flood.

Sa paunang ulat ng Department of Agriculture (DA), halos P55 milyon ang naitalang pinsala sa sektor ng agrikultura saWestern Visayas at Soccsksargen.

Sa huling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), tinatahak na ng bagyo ang West Philippine Sea palayo ng bansa.