Inanunsyo ni House Speaker Martin Romualdez na magsasagawa ng relief drive at operations ang kaniyang tanggapan para sa mga pamayanang nasalanta at malawakang hinagupit ng bagyong Paeng, mula sa Mindanao hanggang Luzon.

"Sa tulong ng mga kasama nating mambabatas sa House of Representatives, magsasagawa ang Office of the Speaker ng relief drive at operations para sa mga komunidad na nasalanta ng Bagyong Paeng," ayon sa Facebook post ni Romualdez nitong Sabado, Oktubre 29.

"Maglalaan tayo ng pondo para simulan ang pagbili ng mga kakailanganing relief goods tulad ng bottled waters, canned goods, bigas at iba pang basic necessities na ipapadala sa mga apektadong komunidad."

Nanawagan din siya ng tulong sa mga pribadong sektor na nagnanais mag-donate at magpadala ng anumang tulong para sa mga biktima ng bagyo. Ibinigay rin niya ang mga numerong maaaring tawagan o makipag-ugnayan para sa naturang relief drive at operations.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

"Asahan po ninyo na gagawin natin ang lahat para makabangon sa panibagong hamon na dala ng bagyo.Maraming salamat po at mag-ingat po tayong lahat," giit pa ni Romualdez.