Pamilyar ka ba sa pamahiing Pilipino na kapag ang isang tao ay naispatan o namataang walang ulo sa personal o litrato, nagbabadya ito ng masamang senyales o signos ng kamatayan para sa kaniya?

Usap-usapan ngayon ang litratong ibinahagi ng isang nagngangalang "Jessica Veal" matapos niyang i-post sa Facebook ang litrato niya habang nasa labas ng isang mall sa Taguig City.

Kapansin-pansing wala siyang ulo sa litrato.

"This picture taken in Venice Grand Canal, Mckinley Hills what is the meaning of this??? Wala akong ulo kinsa psychic diri? DILI NI EDIT PURE CAM NI!!!" aniya sa caption.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen. May mga nagsasabing magaling daw ang pagkaka-edit ng netizen sa litrato, para makakuha ng atensyon sa social media.

May mga naniwala naman at nagpayo sa kaniyang agad niyang ibaon sa lupa ang mga damit at gamit na suot niya noong nawalan siya ng ulo upang hindi matuloy ang nakaambang panganib sa kaniya.

Ikaw, naniniwala ka ba sa pamahiing ito?