Inalerto ng pamunuan ng National Irrigation Administration (NIA) ang mga residente ng Isabela at Cagayan kasunod na rin ng pagpapakawala ng tubig ng Magat Dam sa Ramon, Isabela nitong Linggo.

Dakong 2:00 ng hapon, binuksan ng NIA-Magat River Integrated Irrigation System (MARIIS)ang pitong radial gate kung saan umabot sa4,252 cubic meters per second o katumbas ng 21,260 drums ng tubig ang pinaapaw.

Babala ng NIA-MARIIS, posibleng tumaas ng 3.15 meters ang water level ng 505 kilometrong Cagayan River dahil na rin sa pagpapakawala ng tubig ng naturang water reservoir.

Paliwanag naman ni NIA-MARIIS department manager Gileu Michael Dimoloy, magdadagdag sila ng opening kada 30 minuto upang hindi mabigla ang mga residente ng mga lungsod at bayan sa Isabela at Cagayan sapagpapaapawnila ng tubig.

Probinsya

Lalaki, hinagisan ng itak ng live-in partner dahil sa 13th month pay

"Kasi nakita natin na ‘yung inflow natin 4,000 plus… para hindi na natin abutin ‘yung critical level ng ating dam so kailangan nating magbawas. Every 30 minutes ‘yung interval natin, para ‘yung paghahanda," banggit ni Dimoloy sa isang television interview.

Umabot na sa 192.42 meters ang lebel ng tubig ng dam, halos maabot na angspilling level na 193 meters.

Inabisuhan na aniya ng ahensya ang mga lokal na pamahalaan at maging ang Office of Civil Defense sa Cagayan Valley region kaugnay ng pagpapakawala ng tubig.

Nitong Linggo, nagpatupad na ng forced evacuation ang pamahalaang lungsod sa mga residenteng nasa mababang lugar.