Umakyat na sa apat na milyong customers ang walang suplay ng kuryente dahil na rin sa paghagupit ng bagyong Paeng sa bansa.

Sa pahayag ni Manila Electric Company (Meralco) spokesman Joe Zaldarriaga, at sinabing nagsasagawa na sila ng pagsasaayos sa mga napinsalang linya ng kuryente.

"Hopefully, by tomorrow, more or less, majority nitong mga affected ay maibalik na natin... To our customers, give us up to Tuesday for what we term the last mile," aniya.

Apektado aniya ang mga customer nila sa Cavite, Laguna at Batangas.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

"Rest assured, Meralco will continue working non-stop...hanggang... maibalik 'yung customers na nawalan ng kuryente," sabi ni Zaldarriaga.

Matatandaang nagkaroon ng power supply interruption sa malaking bahagi ng bansa matapos manalasa ang bagyo simula nitong Sabado.