Sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Paeng sa halos buong Pilipinas ay muling lumitaw sa trending list ng Twitter ang ABS-CBN dahil sa pangangailangan ng agarang ulat at update hinggil sa kalagayan ng iba't ibang lugar, lalawigan, at rehiyon.
Iginiit ng mga netizen na malawak sana ang magiging coverage ng ABS-CBN dahil sa regional radio and TV networks nito, subalit dahil sa kawalan ng prangkisa upang mapakinggan nang libre sa radyo at mapanood sa telebisyon, ay tila nabawasan umano ang mga makapagbibigay ng mabilis na update at impormasyon sa mga tao.
Muli na namang naungkat ang di-pagbibigay ng panibagong prangkisa sa network noong 2020, dahil sa pagboto ng "No" mula mayorya ng mga miron na bumoto rito.
Narito ang ilan sa tweets ng mga netizen:
"ABS-CBN has regional tv stations. They also have regional FM/AM radio stations. They could have provided information. Enough of this 'Mindanao-is-ignored thing'. Most of you even cheered when ABS-CBN was closed down."
"Bring back ABS-CBN!"
"When ABS-CBN was shut down, Roque said there's still the PNA that can cover what's happening on ground during calamities. Marcos-Duterte vloggers also celebrated the network's shutdown. Now, where is the PNA and these vloggers to cover the situation on ground amid #PaengPH?"
"Despite the limited resources of ABS-CBN News, they are trying their best to cover what is happening in Mindanao since last night."
"Great job to ABS-CBN for the almost 24/7 update on #PaengPh via dzmm teleradyo. Still in the service of Filipino kahit walang franchise."
"Feel na feel ng mga taga-Mindanao ngayon ang pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN."
Samantala, nag-react din dito ang Kapamilya TV host na si Robi Domingo.
"In the service of the Filipino."
"It's not just a slogan."
"It's our mission and our commitment. ❤️💚💙," saad ni Robi sa kaniyang tweet nitong Sabado, Oktubre 29.