Nagrereklamo na ang mahigit sa 43,000 biyahero matapos makansela ng ilang beses ang kanilang flight pauwi sa kani-kanilang probinsya dulot ng bagyong Paeng.

"Gagawan po namin ng paraan para lahat kayo ay ma-accommodate kaya lang napakaliit ng Terminal 4, ayon sa pahayag ng isang taga-Ninoy Aquino International Airport (Terminal 4).

Ayon naman sa pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA), isinara ang runway nitong Sabado ng hapon dahil na rin sa malakas na hanging dala ng bagyo.

Ilang pasahero ang nagsabing ilang beses nang nakansela ang kanilang flight mula sa nakatakda nilang biyahe nitong Sabado, dakong 4:00 ng hapon. Anila, naghihintay pa rin sila hanggang Nitong Linggo ng hapon sa gitna ng malakas na ulan at hanging bunsod ng bagyo.

Metro

Tricycle driver, pinagtulungang patayin ng mga kapitbahay?

Nitong Sabado, kinansela ng pamunuan ng MIAA ang 295 na scheduled flights dahil sa bagyo.