BUGUEY, Cagayan -- Natuloy ang kauna-unahang Buguey Crab Festival sa bayang ito sa kabila ng malakas na buhos ng ulan dala ng Bagyong Paeng nitong Sabado, Okt 29.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Mayor Ceri Antiporda ang mga aktibidad ng Buguey Crab Festival, mula Okt. 28-19, kabilang ang street dancing, exhibitions, crab dance competition at "Mr. and Ms. Teen Crab Buguey" noong Biyernes.

Pangunahing higlight ng kasiyahan ang open lunch kung saan naghain ng isang metrikong toneladang alimango nitong Sabado, dagdag ni Mayor Antiporda.

Ang bayan ng Buguey na kilala bilang "Crab Capital of the North" at tahanan ng mga de-kalidad na alimango.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Dagdag ng alkalde, nagtulungan ang mga residente sa pagluluto ng isang toneladang alimango na binuksan para sa publiko para sa isang tanghalian.

Ang mga kalahok ay sumabak din sa Rasa (alimango) Cooking Contest kung saan itinampok ang iba't ibang lutuing alimango.