Kamakailan lamang ay nagpaantig sa puso ng mga netizen ang isang stray dog na nakatingin sa grupo ng mga kapwa asong kasama ng kani-kanilang fur parents, na napitikan ng isang photographer na nasa lugar na iyon.

Makikita sa litrato ng photographer na si "Anthony Piedad Jugo" ang stray dog na payat at nauubusan na ng balahibo sa kaniyang katawan, na nakatingin sa dako pa roon ng mga kagaya niyang asong may nag-aalagang fur parents.

"I wonder what the lucky ones felt? Because He’s alone, hungry, sad, scared and wondering what it feels to be like them," ani Jugo sa kaniyang caption, sa Facebook post noong Oktubre 22.

"Reality hits so different today. Unfair at its finest. That's life…"

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

"Life is unfair… but we must live on," dagdag pa ng photographer.

Nilinaw naman ni Jugo na wala siyang intensiyong pagmukhaing "masama" ang mga fur parents na nasa background.

"The owners at the background reached out and from the bottom of my heart, my sincerist apology for this post. Just letting you guys know that they also have adopted aspins too. This post is not to make someone feel bad but to raise awareness that this is happening not only in animals but in us humans. How cruel life can be sometimes.. Some are facing their own silent battles and struggles to live while others are enjoying the favors of life. That’s how it is. Laban ta tanan."

Ayon sa ulat, nagkataong si Jugo ay talagang mapagmalasakit sa mga pet dogs; sa katunayan, marami na rin siyang narescue na mga "askal" na kaniyang inalagaan na rin.

Kaya naman, hindi natiis ni Jugo na muling balikan ang stray dog upang pakainin. Noong una ay hindi niya ito mahanap, subalit ilang oras lamang ay nakita niya itong mahimbing na natutulog, ayon sa kaniyang update.

"Hi guys! So we found him 😍. Sleeping soundly. Bilhan muna namin ng food and we’ll bring him HOME," aniya.

Mula sa FB ni Anthony Piedad Jugo

Ngunit hindi na siya nakatiis dahil iniuwi na lamang niya ito sa bahay upang alagaan. Pinangalanan niya itong "Hopper" o mula sa salitang "Hope" o pag-asa.