Anang netizens, tila pilyong sumabay pa umano sa tag-ulan ang nakawiwindang na mga larawan ng actor na si Tony Labrusca sa Instagram, Sabado ng gabi.

Hindi kinaya ng netizens ang Halloween entry at panibagong pag-flex ng young actor sa kaniyang batak na katawan sa latest Spider-Man-themed bedroom shoot.

Agad na inulan ng heart reactions, at fire emojis ang comment section ng IG post ng aktor ilang minuto lang matapos isapubliko.

Teleserye

'Camille,' isiniwalat na ang dahilan kung bakit 'di pa nanganganak sa 'Batang Quiapo'

Narito ang ilan lang sa reaksyon ng netizens sa pasabog na mga larawan ni Tony.

“Grabeee!” saad na lang ng isang follower.

“Spidy make some webs please, 😂❤️” pilyong segunda ng isa pa.

“Halloween diba? Bakit patang easter egg hunt? Kimmy! Hahahaha”

“So hot!”

“Don’t do that!”

“I just can’tttt!”

“Are you serious?

“HOYYYY!!!”

“Stop babe!!”

“Spidey, this is illegal!”

“Sumasabay ka sa panahon Tony juskooo!!”

Sa pag-uulat, umani na agad ng nasa mahigit 28,000 reactions ang naturang IG post ni Tony.