Usap-usapan ngayon ang paghingi ng paumanhin ni Popstar Royalty Sarah Geronimo sa kaniyang mga magulang, matapos ang biglaang pagpapakasal sa kaniyang nobyo at asawa na niya ngayong si Mateo Guidicelli noong Pebrero 20, 2020 sa Victory Church, The Fort, Bonifacio Global City, Taguig.

Nang malaman umano ni Mommy Divine Geronimo ang kanilang ginawa ni Matteo ay sumugod umano ito sa simbahan. Matatandaang naitampok pa ito sa "Raffy Tulfo in Action".

Makalipas ang dalawang taon ay binasag na ni Sarah ang kaniyang katahimikan tungkol dito, sa pamamagitan ng kaniyang Instagram posts. Sinimulan muna niya ito sa pag-asam na sana'y nasa mabuting kalagayan ang lahat sa kabila ng paghagunot ng bagyong Paeng.

"Hindi ko po ito madalas gawin dahil gusto ko po mapanatiling pribado ang aking personal na buhay pero pinipili ko pong kunin ang pagkakataon na ito para pasalamatan ang Diyos, ang aking pamilya at ang aming mga furbabies para sa inspirasyon na patuloy na maging malakas, masaya, at mapagmahal sa buhay ano mang hirap o pagsubok ang aking harapin."

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Pagkatapos nito ay humingi ng tawad si Sarah sa kaniyang pamilya na nasaktan sa kaniyang mga naging desisyon sa buhay.

"Sa aking mga magulang, walang hanggan po ang pasasalamat ko para sa buhay na ibinigay ninyo sa akin, sa aming magkakapatid. lahat ng suporta at pag-aaruga… ang inyong walang katumbas na pagmamahal, walang sino man ang puwedeng makapagpunan po nito."

Ibinahagi rin ni Sarah ang kaniyang mga natutuhan sa nangyari. Ang mahalaga aniya ay pagpapakumbaba at tanggapin ang katotohanan.

Pinasalamatan din ni Sarah ang kaniyang talent manager na si Vic Del Rosario gayundin ang kaniyang Popsters na patuloy na sumusuporta sa kaniya simula noon hanggang ngayon.

Screengrab mula sa IG ni Sarah Geronimo

Screengrab mula sa IG ni Sarah Geronimo

Screengrab mula sa IG ni Sarah Geronimo

Screengrab mula sa IG ni Sarah Geronimo

Inialay rin ni Sarah ang kaniyang mensahe sa lahat ng mga makakabasa nito. Aniya, huwag daw sayangin ng lahat ang oras na kasama nila ang mga mahal sa buhay.