Bagaman unang nag-alangan tumalon sa pinakamalaking bungee jump site sa mundo, itinuloy pa rin ng award-winning vlogger na si Wil Dasovich ang makapigil-hiningang adventure dahilan para ilang segundo siyang mawalan ng malay sa ere.
Ito ang nakamamanghang flex ni Wil sa ngayo’y viral vlog matapos walang takot na kumasa sa pinakamalaking bungee jump sa kaniyang buhay.
Tumalon lang naman ang vlogger sa nakalululang Verzasca Dam sa Ticino, Switzerland, ang pinakasikat ding bungee jump site sa buong mundo.
Pagbabahagi ni Wil, unang beses niyang mawalan ng malay ng hindi dahil sa alak.
“I didn’t know it was possible to be so scared that your brain literally crashes like a hard drive & stops working (aka sensory overload),” anang vlogger.
“Of all the crazy things I’ve done, I never felt this amount of fear compressed into one split moment. I want to do this again and be present for the next experience,” dagdag niya.
Ilang Facebook netizens naman ang nagpahayag ng pagkabahala sa peligroso anilang adventure, bagay na tiniyak naman ni Wil na ligtas at paraan niya lang para sulitin ang buhay.
Sa pag-uulat, nasa mahigit 626,000 views na ang naturang video sa Facebook pa lang mula nang ibahagi noong Huwebes.
Basahin: Wil Dasovich, wagi sa World Vlog Challenge: ‘We did it!’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Kamakailan, matatandaang ang pagkapanalo ng Pinoy vlogger sa “World Vlog Challenge.”