BAGUIO CITY – Narekober ng pulisya ang 299 piraso ng dinamita (Nitro EM 1500) mula sa isang negosyante, matapos magsagawa ng search warrant operation sa kanyang bahay sa Purok 20, San Carlos Heights, Irisan, Baguio City, noong Biyernes, Okt. 28.

Ang pinagsanib na tauhan ng Baguio City Police Office, Regional EOD at Canine Unit-Cordillera at Regional Intelligence Division (RID) ay nagsagawa ng search warrant na inisyu ni Judge Maria Ligaya V. Itliong-Rivera ng RTC, Branch 5, Baguio City sa bahay ni Absolum Pangdaw Bautista, 52, alas-5:45 ng hapon.

Narekober ng mga operatiba ang 299 piraso ng dinamita (Nitro EM 1500), isang sako na may 25 kilo ng ANFO (Ammonium Nitrate and Fuel Oil) at 200 piraso ng blasting caps.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Larawan mula PNP

Ang pag-imbentaryo ng mga ebidensiya ay isinagawa onsite sa presensya ng suspek at sinaksihan nina Barangay Chairman Arthur Carlos at Barangay Kagawad Nestor Kindipan.

Gumamit ng body-worn camera at alternative recording device ang pulisya sa paghahain ng search warrant at nasa kustodiya na ng BCPO Police Station (PS 9) ang naarestong suspek.

Sa mga nakuhang ebidensiya, sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9516 o ang Illegal Possession of Explosives ang suspek.