Mapakikinggan na sa lahat ng music platforms ang version ni “Asia’s Phoenix” Morisette Amon sa isa sa mga unang hit songs ni “Asia’s Balladeer” Christian Bautista.

Ito ang masayang ibinalita ng Pinay singer-songwriter nitong Sabado kasunod ng release ng kaniyang version sa kantang “Colour Everywhere” ng Kapuso singer noong Biyernes.

Thrilled to be reviving another classic, this time one of the hits of my Kuya @xtianbautista in celebration of his 20th year in the industry in collaboration with @universalrecordsph! My version of COLOUR EVERYWHERE is officially out now!” mababasa sa IG post ni Morissette.

Musika at Kanta

Regine, nakatanggap ng apology letter matapos maetsa-pwera sa billing ng MYX Global

Kasama ang mga kantang "The Way You Look At Me", and "Hands To Heaven", ang “Colour Everywhere” ay isa pa sa mga hit songs sa 2004 multi-platinum at chart-topping self-titled album ni Christian.

Sa parehong IG post ng Pinay singer, nagpaabot ng pasasalamat ang Kapuso singer kay Morissette para sa panibagong tunog ng kanta sa kaniyang bagong interpretasyon.

“Thank you so much Mori. It’s so so good,” komento ni Christian.

Pinusuan din ng asawa ng Kapuso singer na si  Kat Buatista ang new version ni Morissette sa kanta.