Mahigit sa isang milyong customer ng Manila Electric Company (Meralco) ang apektado ng power supply interruptions dulot ng bagyong Paeng.
Sa abiso ng Meralco, aabot na sa 1,143,499 customers ang nawalan ng suplay ng kuryente simula pa nitong Sabado ng umaga.
“As of 11:00 a.m. today, affected customers are already down to 101,516, majority of them are in parts of Batangas and Quezon and the rest are in parts of Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal and Bulacan,” pahayag ng kumpanya.
“Our crews are working round the clock to restore power at the soonest possible time,” sabi ng Meralco.
Kaugnay nito, inabisuhan ang mga customer na iulat sa kanilang Facebookat Twitter accounts sakaling magkaroon ng power outage sa kanilang lugar.