Sinabi mismo ng direktor at producer ng pelikulang "Katips: The Movie" na si Atty. Vince Tañada na tutulong ang kaniyang team, lalo na ang bumubuo sa kaniyang pelikula, upang matulungan ang mga apektadong residente sa Cotabato, dahil sa pananalasa ng tropical storm "Paeng".

Ibinahagi ni Tañada ang kalunos-lunos na litrato ng aerial view sa Cotabato kung saan kulay-putik na ito dahil sa malalang pagbaha. Aniya, kahit hindi umano nanalo si dating Vice President Leni Robredo sa rehiyong ito, deserve pa rin nilang matulungan.

"We will mobilize our benefactors and collate some of our resources from the #KatipsTheMovie profits to help out our Kababayans in Cotabato. Leni Robredo lost big time in this region. But it is not a matter of political affiliations now. All of us are Filipinos and we're all in this together. We will help. #CotabatoNeedsHelp #PaengPH," aniya.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Nasa ibang bansa ang Katips team para sa world tour ng pelikula.

Hindi naman nabanggit ng direktor kung ilang porsyento ng profits o kinita ng pelikula ang ilalaan nila sa pagtulong sa Cotabato at ilan pang mga naapektuhan ng bagyo.