Isang bagong panganak na babae, at kaniyang sanggol, na nakatira sa baybayin ng Brgy. Tambacan, Iligan City ang inilikas ng Philippine Coast Guard (PCG) bago maghatinggabi nitong Biyernes, Okt. 28.

Sa mga larawan, ilang miyembro ng PCG ang nagtulong-tulong para sa paglikas ng ginang mula sa nakatirik na tahanan sa baybayin mismo ng lungsod.

Larawan mula PCG

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ito’y bahagi ng maagang pag-iingat sa posibleng epekto ng Bagyong Paeng sa lalawigan ng Lanao del Norte.

Agad namang nilapatan ng medikal na tulong ang ginang sa pangunguna ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CRRMO) upang tiyakin na parehong ligtas ang ina at kaniyang sanggol.

Katuwang ng PCG sa matagumpay na paglikas ang Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) at Special Operations Unit-Lanao del Norte.

Ilang residente din sa Barangay Tibanga, sa parehong lungsod, ang naunang nailikas din sa ilang evacuation area rito.

Larawan mula PCG

Sa pinakahuling update ng Philippine Atmospheric, Geophysical, Astronomical Services Administration (PAGASA), ang buong Mindanao ay hindi na sakop sa umiiral na tropical cyclone warning sa ilang bahagi ng bansa.

Gayunpaman, sa rainfall advisory ng weather bureau, umaga ng Sabado, makararanas ng mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Mindanao, kabilang ang ilang bahagi sa lalawigan ng Lanao del Norte.