KALINGA - Tatlong pinaghihinalaang drug courier ang hinarang ng mga awtoridad nang tangkaing ipuslit ang aabot sa₱24.4milyong marijuana sa Lubuagan kamakailan.

Sa ulat na natanggap ni Brig. Gen.Mafelino Bazar, director ng Police Regional Police Office (PRO)-Cordillera kay Kalinga Police director Col. Domallig, nakilala ang mga suspek na sinaRaechelle Kitongan Canao, 29; Augusto Binuloc Gunnawa, 38, at Arnel Langao Wadwad, 26, pawang taga-Tulgao East, Tinglayan, Kalinga.

Sa imbestigasyon, nabisto ng isang concerned citizen ang pagdadala ng 204 na marijuana bricks ng tatlong suspek.

Dadalhin sana sa Tabuk City, Kalinga ang nasabing illegal drugs mula Brgy. Tulgao East, Tinglayan nang maharang ang van na sinasakyan ng mga suspek saSitio Dinakan, Dangoy, Lubuagan, Kalinga.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na pawang nasa kustodiya na ng pulisya.