Nagkansela na ng kanyang leave at day off si Department ofSocial Welfare and Development(DSWD) Secretary Erwin Tulfo upang tutukan ang paghahanda ng ahensya sa pagtulong sa mga naapektuhan ng bagyong Paeng.

Nitong Biyernes, pinulong na ni Tulfo ang mga director ng field offices ng ahensya upang matiyak na preparado sa pagtugon sa pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyo.

"Patiday off,ika-cancel to make sure everybody was ready. Kailangan ngpagde-deliverng mga relief so 'yung mga naka-leave, ni-relieve ko muna mga leaves nila," ayon sa kalihim.

Aniya, tutulungan ng ahensya ang mga naapektuhan ng kalamidad sa pamamagitan ng pamamahagi ng cash at iba pa nilang pangangailangan.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

"So far naman, natutuwa tayo dahil sa utos na preparation, 'yung prepositioning, may prepositioning naman. Sa pondo naman, wala namang problema kasi we have funds tulad nung sa (Assistance to Individulas in Crisis Situation)," pahayag nito sa mga mamamahayag.

Nanawagan din ito sa mga pamilyang nakatira sa mga delikadong lugar na lumikas kung kinakailangan dahil sa bagsik ng bagyo.