Isa pang bagyo ang inaasahang papasok sa bansa sa Lunes, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa pahayag ng PAGASA, nasa labas pa ng Pilipinas ang nasabing low pressure area (LPA).
Huling natukoy ang LPA mahigit 1,700 kilometro silangan ng Mindanao nitong Biyernes.
Kung hindi magbabago ang direksyon ng LPA, papasok ito sa Philippine area of responsibility (PAR) sa Oktubre 31 at tatawaging "Queenie na ika-17 bagyo ngayong taon.
Bukod sa nabanggit na LPA, binabantayan pa rin ng PAGASA ang bagyong Paeng na huling namataan 155 kilometro silangan ng Borongan City, Eastern Samar o 245 kilometro silangan timog silangan ng Catarman, Northern Samar.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging 75 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at bugsong hanggang 90 kph.
“Due to the westward movement of this tropical cyclone, a landfall scenario or close approach to Eastern Samar or Northern Samar this afternoon or tonight is not ruled out. Afterwards, Paeng will move generally west northwestward and may traverse the Bicol Region tonight through tomorrow morning,” ayon sa babala ng PAGASA.