Matapos umani ng sari-saring reaksyon na umabot pa maging sa Korean netizens, muling nilinaw ni Megastar Sharon Cuneta na hindi siya nagyabang sa guard ng Hermès sa Seoul, South Korea.
Ito ang saad ng actress-singer sa panibagong YouTube upload sa aniya’y lumaking isyu kaugnay ng viral vlog noong Miyerkules.
“Once and for all sabihan ko lang po. I know, of course, I know that you need an appointment with Hermes boutique before you can go because I tried in the [United] States and I didn’t have the time to go so I didn’t go,” pagsisimula ni Mega.
“Usually, kaming mga artista, marami kaming artista na we have our own personal shoppers. Lahat po ng mga bag ko kahit anong tatak, ke-Chanel, Hermes, ke-Louis Vuitton, sila po ang nagpapadala sa akin ng pictures kung ano ang bago. Minsan nakaupo lang ako, mine-make-up-an ako, nagsa-shopping na ako ng kahit anong gusto ko. So hindi po talaga ‘yung lumalabas para mamili kahit nasa Amerika kami,” dagdag na pagbabahagi ni Mega.
Paglilinaw ng aktres, hindi siya nadismaya nang tanggihan siyang papasukin ng guard sa luxury boutique.
“‘Di po ako nagalit nung hindi ako pinapasok sa Hermes dahil nagbakasali lang po ako nab aka lang pwede kasi usually ‘pag pwede, kung kaunti lang naman ang clients sa loob, ‘yung shoppers, sometimes they let you in so nagbakasali lang ako kasi I wanted a belt because I truthfully didn’t need more from Hermes that I don’t already have. Okay na po ako sa mga bag ko, wala akong type na kulay,” ani Shawie.
‘‘Di po ako nagalit. Hindi po ako na-offend. Naintindihan ko agad yung guard. Wala namang kinalaman yung guard, ba’t naman sasama yung loob ko?” dagdag ng aktres.
Aniya pa, nagkataon lang na katapat ng tindahan ang Louis Vuitton dahilan para makakita siya aniya ng mga bagong kulay, at maakit na mamakyaw.
“Napabili nga po ako doon [LV]. Paglabas namin, hindi rin ako nagyabang. Sabi ko, ‘I cannot go? Look, I buy everything,’ yung ginanun ko lang siya pero nakangiti ako,” ani Shawie.
Sa pagsingit naman ng kaniyang editor sa “Pretty Woman” sa naturang vlog, wala umanong masamang intensyon ang aktres dito. Sa katunayan, na-cute-an umano ang Sharonians sa naturang part ng vlog, dagdag niya.
Itinanggi rin ng Megastar na inasahan niyang tratuhing VIP sa hallyu capital.
“Hindi naman po ako bobo. Siyempre alam ko na wala din namang may kilala sa sakin sa Korea kundi Pinoy din so parang why will you expect VIP treatment?” anang aktres at idinagdag na hindi siya ang tipong pa-VIP, at mas gusto pa rin niyang mayroong "fair treatment."
“Walang akong sama ng loob sa Hermes. Lalong hindi ako nagwala sa Louis Vuitton,” muling paglilinaw ni Shawie.
“[Louis] Vuitton has always been good to me so has Hermes. Let’s forget about that na,” pagtatapos niya.
Matatandaang viral sa Pilipinas ang naturang vlog na parehong nag-landing din sa South Korean media.