Kontrolado na ngayon ni Elon Musk ang Twitter at sinibak umano ang top executives nito noong Huwebes, Oktubre 27.

Sinibak ni Musk ang chief executive na si Parag Agrawal, gayundin ang chief financial officer ng kumpanya, at ang head ng safety nito, ayon sa ulat ng Washington Post at CNBC na hindi binanggit ang kanilang sources. 

Dati nang nagtungo si Agrawal sa korte upang i-hold ang Tesla chief hinggil sa isang deal na sinubukan niyang umano'y takasan.

Umusbong ang mga ulat ilang oras bago ang itinakdang deadline ng korte para kay Musk na i-seal ang deal para bilhin ang social media network.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Nauna na ring nag-tweet si Musk na bibilhin niya ang Twitter, "because it is important to the future of civilization to have a common digital town square, where a wide range of beliefs can be debated in a healthy manner.”

Hindi agad tumugon ang Twitter nang hinihingan ito ng pahayag tungkol sa mga sinibak ng executives ng kumpanya, ngunit ang co-founder ng platform na si Biz Stone ay nagpasalamat kina Agrawal, Ned Segal, at Vijaya Gadde para sa kanilang "collective contribution sa Twitter."

“Massive talents, all, and beautiful humans each.”