Ito ang dagdag at bagong serbisyo ng Bayanihan E-Konsulta sa kasalukuyan nitong medical teleconsultation para sa COVID-19, bukod sa iba pa.

Sa anunsyo ng Angat Buhay nitong Huwebes, Okt. 27, inanunsyo ng non-governmental organization ang mental services sa nagpapatuloy na Bayanihan E-Konsulta.

“Libre ito para sa publiko, at patuloy rin ang medical teleconsultation para sa COVID, general check-up, at iba pang medical specialists,” anang Angat Buhay sa isang Facebook post,

Agad namang inulan ng pasasalamat mula netizens ang NGO para sa makabuluhang inisyatiba.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Thank you sa mga volunteers ng Bayanihan E-Konsulta , malaking tulong po s mga walang pangbayad s konsulta. 💪❤️🌷🙏 God Bless!” komento ng isang netizen.

“Malaking tulong po Ito. Maraming salamat po!”

“Great service! Maraming Salamat, Angat Buhay!”

Direktang kontakin ang Facebook page ng Bayanihan E-Konsulta para sa naturang serbisyo.

Kamakailan, nauna nang nanawagan ang Bayanihan E-Konsulta para sa mga psychologist, psychiatrist, psychometrician, at mga nonmedical volunteer, para sa programa.

Ang Angat Buhay ay pinamumunuan ni dating Vice President Leni Robredo.