Minsan ka na rin bang napaindak sa 2002 world-wide hit na "Asereje (The Ketchup Song)" ng Spanish pop group Las Ketchup? Alam mo ba na maraming tao ang nagsasabi na 'devil song' ito? Alamin kung bakit.

Taong 2002 nang inilabas ng Las Ketchup ang kanilang groundbreaking debut song na Aserejé (The Ketchup Song) mula sa kanilang debut studio album na Hijas del Tomate o ‘daughters of tomato.’

Naging viral sa buong mundo ang dance step ng music video — mga simple,at paulit-ulit na dance step — na mabilis na nakaagaw sa kasikatan ng kantang "Macarena."

Nanguna ito sa mga music chart sa Australia, Canada, New Zealand, at hindi bababa sa 20 bansa sa buong Europe.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Gayunpaman, sa gitna ng kasikatan nito, naging kontrobersyal ang kanta dahil sa mga teorya na ang mga liriko ay misteryosong awiting Satanismo.

Nagsimula ang kontrobersya mula sa isang chain email na nag-dissect sa lyrics ng kanta at nagpasya na isa itong love song para kay Satanas, ang tinaguriang prinsipe ng masasamang espiritu.

Dahil dito, kumalat ang tsismis na ang Asereje ay isang kanta na sumasamba sa demonyo. Ayon pa sa ilang ulat, may isang television station sa Mexico na ipina-ban ang pagpe-play ng kanta dahil sa malawakang panic na dulot nito.

Ang misteryong nakapalibot sa kantang ito ay pangunahing binubuo ng pamagat, 'Aserje' at mga liriko ng mismong awitin.

Ilan sa mga teorya ang mga sumusunod:

Aserejé, na maaaring hatiin sa Espanyol na pariralang "a ser hereje," na nangangahulugang "maging heretikal o erehe" o oposisyon ng simbahan. Ang ganitong teorya ay maihahambing sa larong "gibberish."

Kung paniniwalaan mo ang iminungkahing interpretasyon ng pamagat, ang lirikong "Ja, de je, de jebe tu de jebere," na kung saan ang Ja ay simula ng Tetragrammaton, na tumutukoy kay Jehova (Diyos), ang "de jebe tu de jebere" ay maaaring bigyang-kahulugan sa Ingles na "let go of your being" o "Jehovah, stop being yourself, leave your being."

Pinaniniwalaan naman ng ilan na ang lirikong, "Y donde más no cabe un alma" — may direktang salin sa Ingles na "where there isn't room for a soul" o "and where else does not fit a soul" — ay tumutukoy sa impyerno, na ayon sa mga maraming relihiyosong tradisyon ay ang tirahan ng mga hindi natubos na patay o ng mga espiritu ng sinumpa at lugar sa kabilang buhay kung saan ang mga masasamang kaluluwa ay sumasailalim sa parusang pagdurusa.

Ayon pa sa mga teorya, ang lyrics na "Y el DJ que lo conoce toca el himno de las 12 (The DJ who knows him plays the 12 o'clock anthem)," ay tungkol sa mga Satanic sacrificies na nagaganap tuwing hatinggabi.

Samantala, hindi naman naglabas ng panig ang Las Ketchup hinggil sa mga umiikot na teorya.

Kung titingnan naman ang kanta nang walang halong teorya, ang kwento ay tungkol kay Diego, na pumupunta sa kanyang paboritong club at nais makiindak sa The Sugarhill Gang, isang American hip hop trio.

Ikaw, naniniwala ka ba na Satanic song ang kantang Asereje?