Camp Olivas, San Fernando, Pampanga -- Inaresto ng pulisya ng Central Luzon ang apat na indibidwal na kinilala bilang top most wanted persons sa isinagawang manhunt operation noong Oktubre 25-26. 

Inihain ng awtoridad ang warrant of arrest laban kay John Lester Ronquillo, Top 5 MWP sa Angeles City, sa ilalim ng Criminal Case No. R-ANG-22-02803-CR na inisyu ni Hon. Benigno Abila, Presiding Judge ng Regional Trial Court Br. 117 ng Angeles City, para sa Frustrated Homicide na may inirerekomendang piyansa na P72,000.

Habang si Jerben Carumba, Top MWP sa Limay, Bataan, ay inaresto sa Limay police sa bisa ng warrant of arrest for Lascivious Conduct Under sec. 5 (B) of R.A 7610 under Criminal Case No. ML-970 na inisyu Hon. MA. Teresa Mauleon, Presiding Judge, RTC Branch 3 (FC), Mariveles Bataan may piyansang P200,000. 

Samantala, inaresto naman ng Pampanga police ang dalawa pang Top MWP sa pamamagitan ng magkahiwalay na manhunt operations. 

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Kinilala ang mga suspek na sina Jayson Mark Angeles, Top 1 MWP sa Apalit, para sa two counts of  Acts of Lasciviousness (Article 336 RPC) in relation to Section 5 Paragraph 2(B) of RA 7610 na inisyu ni Hon. Katherine Legarda Pajaron, Presiding Judge of Regional Trial Court, Branch 54, Macabebe, Pampanga may P200,000 na piyansa; at Gazelle Ocampo, Top 6 MWP sa Guagua para sa violation ng Sec. 3 ng RA 10883.

Tiniyak ni Police Regional Office O3 Regional Director PBGEN Cesar Pasiwen na patuloy silang maglulunsad ng mga operasyon.