Umakyat na sa 13 ang naiulat na nasawi sa landslide at pagbaha sa ilang bahagi ng Mindanao bunsod ng bagyong Paeng.
Kinumpirma nispokesman, civil defense chief for the regional government Naguib Sinarimbo na ang bangkay ng 10 sa mga nasawi ay natagpuan sa binahang Datu Blah Sinsuat.
Natagpuan din ng mga rescuer ang tatlo pang bangkay sa Datu Odin Sinsuat matapos nilang suyurin ang ang palibot ng Cotabato City.
"We're hoping the toll will end there," banggit ni Sinarimbo.
Gayunman, hindi pa isinasapubliko ni Sinarimbo ang pagkakakilanlan ng mga nasawi.
Sa kabila nito, sinusuyod pa rin ng mga rescue team ang mga binahang lugar sa pag-asang makatagpo pa ng ilang residenteng na-trap sa baha.
Naiulat na nagsimulang maramdaman ang matinding pag-ulan sa rehiyon nitong gabi ng Huwebes kahit papalapit pa lang ang bagyo sa Mindanao na nagdulot ng pagguho ng lupa at pagbaha.
Huling namataan ang bagyo malapit sa Borongan City, Eastern Samar at posibleng mag-landfall sa Catanduanes sa Sabado.
Agence France-Presse