Nagpaabot ng pasasalamat ang vlogger na si "Mark Jayson Warnakulahewa" o mas kilala bilang "Makagago" sa kapwa vloggers na sina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake, dahil nagkaroon umano siya ng "pang-good time" dahil sa naganap na bardagulan ng dalawa noong Oktubre 23, na ilang araw na ring usap-usapan (hanggang ngayon) ng mga netizen.

Sa kaniyang Facebook post noong Martes, Oktubre 25, ibinahagi ni Makagago ang litrato nila ng kaniyang misis habang kumakain sa isang mamahaling restaurant.

"Magandang Gabi sa mga kahombre ko kamusta? Eto Na ako sa Antonio’s hehe, ok naman yung mga content isang trending number 6 isang number 8," ani Makagago sa kaniyang caption.

"Salamat kay ZEINAB AT KAY WILBERT (SANA MAGKA AYOS PA KAYO)."

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

"Kung wala kayo wala akong pang good time."

Ani Makagago, magkasundo man o mag-away sa social media ang kapwa vloggers ay "kikita" pa rin iyon dahil sa dami ng views.

"Sa ibang mga influencers dyan, pag nagkakaroon ng issue ang mga kapwa nyo vloggers magpasalamat kayo ha! Kundi wala kayong views hahaha. Tulugan na!!

"At least nagkaron kayo ng aabangan right? Till next time."

Si Makagago ay isa sa mga nabanggit ni Wilbert sa "Rebelasyon" niya patungkol sa mga sinasabi umano ni Zeinab sa iba pang vloggers.

Basahin: ‘Ang Rebelasyon!’ Wilbert Tolentino, nagsiklab sa post ni Zeinab Harake, may isiniwalat laban sa kaniya – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa isang Facebook post ay humingi na ng paumanhin si Zeinab sa kapwa vloggers na nadamay sa isyu, gaya nina Whamos Cruz, Toni Fowler, ang Toro Fam, Makagago, Madam Inutz at Sachzna Laparan, gayundin ang celebrity vloggers na sina Robi Domingo, Jelai Andres, Alex Gonzaga, Donnalyn Bartolome, Ivana Alawi, at Sanya Lopez.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/25/walang-palusot-zeinab-harake-humingi-ng-dispensa-sa-kapwa-vloggers-celebs-followers/">https://balita.net.ph/2022/10/25/walang-palusot-zeinab-harake-humingi-ng-dispensa-sa-kapwa-vloggers-celebs-followers/

Si Makagago ay isa sa mga content creators sa Pilipinas na milyong subscribers sa kaniyang social media platforms.