Pinag-uusapan ngayon sa TikTok ang naging sagot ng real-life couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o mas kilala bilang "KathNiel", dahil sa kanilang makahulugang mga sagot sa tanong na kung ano sa kanila ang ibig sabihin ng "loyalty", sa naganap na finale press conference ng kanilang teleseryeng "2Good 2 Be True" o 2B2T.

"Loyalty for me is being contented," sagot ni Kathryn.

"Because if you are contented, you will not look for… anymore person."

Kapag daw kuntento ka sa isang bagay o tao, doon na makikita ang loyalty. Kapansin-pansin naman ang tila pagpipigil na mapaluha ni Kathryn.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Bago magbigay ng kaniyang sagot ay matagal na nag-isip si Daniel. Sagot ni DJ, ang nakikita raw niya ang depinisyon ng loyalty sa kaniyang alagang aso.

"Kahit anuman ang pinagdaraanan ko ngayon, kung anuman ang sitwasyon o emosyon ko sa ngayon,kung sino ako ngayon, tatanggapin niya nang buong-buo… iyon ang loyalty," ani Daniel. "Walang judgment…"

Kitang-kita ang makahulugang tinginan at facial expression sa mukha ng dalawa. Tinapik-tapik pa ni Kathryn ang kamay ni DJ at kapansin-pansin ang tila pagpikit-pikit nang mariin ni Kath.

TikTok video mula kay delanxe12

Umani naman ito ng iba't ibang espekulasyon at reaksiyon mula sa mga netizen.

"Kahit pilitin nilang itago may something talaga… Imagine mas loyal pa yung aso…"

"Naiiyak si Kath… bakit kaya?"

"uy bat ang sakit.🥹 tama naman yung sinabi ni kath pero bakit ramdam kong para kay dj yun🥲."

"bat parang naiyak si kath sa last part."

"Hoy😳🥺hwag naman sana solid Kathniel pa naman ako."

"parang me something naiiyak si kath sa sagot tsaka sa last part 😭."

"being fans of kathniel, sa 11years nilang magkasama. alam kong may something sakanila now."

"parang may pinagdadaanan sila ngayon iba Ang aura nila ngayon eh parang Ang lungkot ng mga mukha nila 🥺."

"mkkita sa mukha ni kath tlga na deep inside nsasaktan Sya🥺🥺"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Kathryn at DJ tungkol dito. Bukas ang panig ng Balita Online para sa kanila.