Ipinagtanggol ni Department of Health (DOH) officer-in-charge, Undersecretary Maria Rosario Vergeire nitong Huwebessi datingPhilippine National Police chief Camilo Cascolan at sinabing"very qualified" itosa kanyang puwesto sa ahensya bilang undersecretary.

"I think he is very qualified naman dun sa kanyang mga credentials na nakalagay diyan.Meron naman ho tayong mga trabaho dito na kailangan din natin talaga for operations," depensa ni Vergeire.

Bahagi ito ng reaksyon ni Vergeire matapos tanungin ng mga mamamahayag hinggil sa mga puna ng publiko sa appointment ni Cascolan sa DOH.

Walang medical degree si Cascolan, gayunman, nagsanay ito sa public management sa University of the Philippines (UP)-Visayas.

Sinabi ni Vergeire na prerogative pa rin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na magtalaga ng mga indibidwal sa gobyerno.

"We will be assigning him kung saan po 'yung proper naman dito para makatulong din po siya sa kagawaran ng kalusugan," aniya.

Nauna nang idinipensa ni Cascolan ang kanyang sarili at sinabi nito na kahit namang walang kaalaman sa medikal ay maaari nang manilbihan sa health department.

Kamakailan, inanunsyo ni Marcos na magtatalaga siya ng kalihim ng DOH kapag bumalik na sa normal ang sitwasyon ng bansa laban sa pandemya ng coronavirus disease 2019.

"So, we just wait for the decision of the President. Tuloy-tuloy pa rin naman po ang trabaho whether we get the secretary post or not," dagdag pa ni Vergeire.