Hindi inialok kay Department of Health (DOH) officer-in-charge (OIC) Maria Rosario Vergeire ang pwesto sa pagka-kalihim ng ahensya mula nang manungkulan si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr..

"No, honestly. It was not offered. I was asked to be an OIC," lahad ni Vergeire sa panayam sa telebisyon.

"I was able to explain to them also my reservations and he (Marcos) just said, just continue to do the work and then we will discuss further," aniya.

Halos 30 taon na sa DOH si Vergeire at isa siyang career official.

"So, kapag ka may term po kasi tayo, kapag ka ganiyan, it’s only 6 years. And by the time I finish the 6 years, I still have years left to serve. And I want to still serve, of course, until I retire. So, isa ho 'yan sa reservation," sabi ni Vergeire.

But as I always say, if I am here for service, ito pong mga ganitong rason,siyemprewe set it aside and if you really want to serve. So, we will see po in the coming months, days kung ano po ang magiging decision ng ating Presidente," sabi ng opisyal.

Nauna nang isinapubliko ni IloiloRep. Janette Garin, ilang doktor na ang inalok para sa puwesto, gayunman, tumanggi umano ang mga ito.

Aniya, ayaw ng mga ito na iwan ang kanilang trabaho bukod pa sa pangambang maharap sa kaso dahil sa susuunging procurement process sa ahensya.

Matatandaangnangako si Marcos na magtatalaga lang siya ng hepe ng DOH sakaling bumalik na sa normal ang sitwasyon laban sa pandemya.