Bilib na bilib si Manay Lolit Solis sa wisdom na mayroon ang Ultimate Multimedia superstar na si Toni Gonzaga.

Pinuri niya ang aktres dahil sa pagiging honest nito sa pagsagot sa mga tanong ng press people para show nito.

"Ang galing galing ni Toni Gonzaga Salve ha. Talagang full of wisdom at tunay na sincere ang kanyang pagsagot sa lahat ng tanong sa kanya sa meet the press niya para sa All TV show niya," saad ni Manay sa kaniyang Instagram post kamakailan.

"Ang honest niya sa pagsagot sa lahat ng tanong. Direct to the point. Mukhang masayang masaya ang private life ni Toni Gonzaga dahil ang ganda at very positive ang disposition niya. Kaya pala napaka husay niya bilang host," dagdag pa niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Masuwerte raw ang bagong network na AllTV dahil nakuha nilang talent si Toni.

"Kaya suwerte ng All TV na meron silang Toni Gonzaga. Napaka pleasant pa niya makipag usap sa lahat. For sure mataas ang rating ng kanyang talk show dahil narin kay Toni Gonzaga na siyang host nito. Congrats Toni, and more power." 

Sa hiwalay na post, hindi raw niya makakalimutan ang mga words of wisdom ng aktres. Very intelligent at smart daw ito kaya nagtagal ito bilang host.

"Hangga ngayon hindi ko makalimutan ang mga words of wisdom ni Toni Gonzaga Salve. Talagang kaya pala siya nagtatagal bilang isang mahusay na host dahil sa pagiging very intelligent at smart," ani Manay.

"Gusto ko iyon to the face na mga sagot niya. Iyon hindi niya pag shy away sa mga delikadong tanong sa kanya. Masuwerte ang All TV sa pagkuha sa kanya bilang talent. Isang magandang buwena para sa ALL TV si Toni Gonzaga. Kaya naman tiyak na exciting show ang kanyang talk show everyday. Sure kami maraming matutuhan at kaalaman na mapapanuod. Watch it, hindi masasayang ang mga oras na ibibigay nyo sa talkshow ni Toni Gonzaga. ALL TV, bongga!"

Mapapanood na ang kauna-unahang show ng tv host sa kaniyang bagong home network na “All TV na pinamagatang “Toni."

Ito ay hango sa kaniyang award-winning at matagumpay na “Toni Talks” sa YouTube Channel, na talaga namang pinag-usapan, lalo na ang panayam niya kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. noong kandidato pa lamang ito. Ito ang nagmitsa sa pagkaka-cancel ni Toni sa social media, na nagtuloy-tuloy na nang ipakita niya ang hayagang pagsuporta rito noong halalan.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/10/01/sabay-sabay-tayong-tumawa-umiyak-matuto-at-makinig-talk-show-ni-toni-sa-alltv-mapapanood-na/