Mula sa mga klasiko hanggang kontemporaryo; crime, thriller, hanggang sa mga horror na palabas, narito ang isang listahan ng mga pelikulang 'Pinoy na maaaring magpatayo ng iyong balahibo ngayong Halloween.
Kisapmata (1981)
Ang plot ay hango sa crime reportage na "The House on Zapote Street" na isinulat ni Nick Joaquin sa ilalim ng pen name na Quijano de Manila. Isang pelikulang may genre na crime-drama-suspense na hindi madalas makita sa Philippine cinema.
Tampok sina Charo Santos-Concio, Jay Ilagan, at Vic Silayan. Tungkol ito sa patriarkal na ugali ni Sgt. Diosdado Carandang. Nauwi sa malagim na patayan ang paghaharap ng mga miyembro ng pamilya Carandang dahil sa pagtatangkang tumakas ng anak nito.
The Road (2011)
Isang Filipino psychological horror crime drama film ni Yam Laranas, na pinagbibidahan nina Carmina Villarroel, Marvin Agustin, TJ Trinidad, Rhian Ramos, Barbie Forteza, Alden Richards, Lexi Fernandez, Louise delos Reyes, Derrick Monasterio, Ynna Asistio, at Renz Valerio. Ito rin ang kauna-unahang "all-Filipino film" na pinalabas sa North America.
Ang pelikula ay umikot sa pagbukas ng 12-taong gulang na kaso dahil sa tatlong kabataang nawawala sa isang luma at abandonadong kalsada — kung saan ang isang malagim na pagpatay ay naiwang hindi natuklasan sa loob ng tatlong dekada.
Feng Shui (2004)
Sino ba namang hindi makakaalam sa klasikong pelikula ni Chito S. Roño na Feng Shui? Maituturing na "cultural reset" dahil sa ipinakitang magkabahaging kulturang Tsino-Pilipino, sa kalaunan ay nag-iiwan ng impresyon ng nakakakilabot na plot twist.
"Legitimate scarer" noong "era" nito kung maituturing ang pelikulang Feng Shui, na pinangunahan ng "Queen of All Media" na si Kris Aquino.
Eerie (2018)
Sa panulat at direksyo ni Mikhail Red, ang pelikulang Eerie ay pinangunahan nina Charo Santos-Concio at Bea Alonzo. Ito ay nakakapanabik na pelikula tungkol sa clairvoyant guidance counselor na si Pat Consolacion (Alonzo), na tinangkang imbestigahan ang pagkamatay ng isang babaeng sa Sta. Lucia Academy.
Ang istorya ay tungkol sa isang makasaysayang paaralan ng mga kababaihang Katoliko ang nahaharap sa pagsasara matapos ang brutal na pagkamatay ng isang estudyante. Tinutulungan ni Consolacion ang mga mag-aaral na matuklasan ang hiwaga ng paaralan.
Shake, Rattle and Roll 8 (2006)
Hindi iba sa naunang pitong Shake, Rattle and Roll, mayroon itong tatlong episode: “13/F,” tungkol sa isang party ng mga bata na ginanap sa isang ipinagbabawal na palapag; Ang "Yaya" ay tungkol sa isang makulit na bata na natuklasan na ang kanyang bagong yaya ay isang bampira; at ang "LRT" ay tungkol sa isang kakaibang aksidente kung saan ang mga tao ay nakakulong sa isang LRT coach habang hinabol ng isang halimaw.
Hindi maikakaila na nagbigay ng "childhood trauma" sa mga nakapanuod ng noong ng episode na LRT dahil sa tensyon na ibinigay ng pelikula. Ang episode na rin na ito ay masasabing socio-political at allegorical film dahil sa iniwang mensahe nito sa mga manunuod.