Nasa 1,752 magsasaka ang naidagdag sa listahan ng nakinabang sa financial assistance ng Department ng Agriculture (DA) sa Caraga Region.

Ang mga naturang magsasaka ay tumanggap ng tig-₱5,000 cash aid na isinagawang pamamahagi ng DA sa pitong bayan ng Dinagat Islands nitong Oktubre 24-28.

Ipinamahagi ang ayuda sa tulong ng Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Farmers' Financial Assistance (RCEF-RFFA) program ng ahensya.

Umabot sa ₱8.8 milyon ang napakinabangan ng mga magsasaka sa nasabing partikular na cash assistance distribution.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

“The RFFA, now in its third phase, aims to provide support to rice farmers tilling two hectares or fewer to augment their farm production needs such as fertilizer and fuel incurred in using farm machinery,” sabi ng DA-Region 13.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga benepisyaryo ng financial assistance ng DA at sinabing malaking tulong na ito para sa kanilang pamilya na bumabangon pa rin sa gitna ng pandemya ng coronavirus disease 2019.

PNA