Ang pagtuturo ay hindi lamang nakasalig sa "mastery" ng paglalahad at pagtalakay sa nilalaman ng paksa o aralin, kundi paano mahihikayat at magaganyak ang mga mag-aaral na mag-enjoy pumasok sa paaralan, makinig at makiisa sa talakayan. Kaya naman, marami sa mga guro ang talaga namang ginagamit ang pagiging malikhain upang sa simula pa lamang ng kanilang pagkaklase ay makuha at mapukaw na ang atensiyon ng kanilang mga mag-aaral.

Kaya naman, kinaaliwan ng mga netizen ang gurong si "Ma'am Joanne" matapos niyang magbigay ng panuto sa mga mag-aaral na kapag binanggit niya ang pangalan sa pag-check ng attendance nila, sa halip na "Present!" ang isisigaw, ito ay "Darna!"

"Another way of checking my student's attendance 🤣🤣," saad ni Ma'am Joanne sa kaniyang TikTok video.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Ito ay halaw mula sa patok na superhero series na "Mars Ravelo's Darna The TV Series" na pinagbibidahan ni Jane De Leon bilang si Darna.

Maririnig naman sa TikTok video ni Ma'am Joanne na nagpagandahan naman sa pagsigaw ng "Darna!" ang mga mag-aaral, mapa-lalaki man o babae. Mukhang tawang-tawa at aliw na aliw naman ang kaniyang klase sa kaniyang ginawa.

Umani naman ng papuri ang ginawa ni Ma'am Joanne dahil kung sila raw ang mag-aaral, mahihikayat silang makinig at matuto sa asignatura nito.

Sa ngayon ay pumalo na sa 14.9M ang views ng kaniyang TikTok video.